IBA ang glow ng mukha at ngiti namin ni Philip paglabas sa kwarto. Iyon bang akala mo naka-jackpot sa lotto. Nalaman lang ni Philip na buntis ako kung todo na ang pag-aasikaso niya sa akin. "Paano natin itatago ang pregnancy ko. Kulang na lang buhatin mo ko?" Nakangiwi kong sabi pero nakangiti ang mga mata. Naaliw kay Philip. Napakamot ito sa ulo. "To tell you frankly, baka hindi ko mailihim. Sa sobrang saya ko gusto ko na nga isigaw sa buong mundo ang pagbubuntis mo. But, I'll try my best to keep it a secret for the meantime." Hawak niya ako sa kamay at sa beywang. "Philip, I can walk. Just hold my hand. I don't feel any weird pa naman hindi tulad ng huli kong pregancy. If maselan ako ulit. I agree with you. Sa kwarto lang ako. Promise, mag-be-behave ako." "You should. Makakatikim k

