LAHAT ay busy na nang Friday pa lang ng umaga. Sine-set up na agad ang garden para sa gaganaping wedding nila Daddy bukas ng umaga. They want to wed when it's sunset. It's like a new beggining—a hope. Kahit na sa ganoong edad nila. May pag-asa pa rin. Dad and Tita Glenda's relatives stayed in our mansion that night. Mas maingay ang mansion dahil sa dami namin. It's fun for us naman dahil nagsama-sama kami at nakilala iyong mga kapatid ni Tita Glenda. Mabuti na lang at malaki ang mansion. Kayang i-accommodate lahat sila. Sobrang ingay ng dinner time na. May mga bata rin kasing kasama. Enjoy na enjoy si Luke dahil may mga kalaro siya. Magkakasama ang mga girls nang gabing iyon. Ang boys ay nasa billiard naman. Nagkakasiyahan sila doon. Kami nila Tita ay nasa pool. Gusto kasi ng mga bata

