MAS nakilala ko si Tita Glenda dahil sa pagtulong ko sa pag-asikaso ng kasal niya kay Daddy. I took a leave to help her decide with the supplier of her souvenirs, wedding dress, invitations at kung ano-ano pa. Wala namang alam si Daddy kaya inasa niya sa amin ang tungkol sa kasal nila ni Tita Glenda. Kahit pa naman noon ay ganoon na rin ang ginawa niya. Taga bayad lang at oo lang ang tanging sagot kapag may ipapakita sa kanya. Laging agree. Kung ano na ang gusto ng bride. Okay na siya. Our relatives were shocked. Biruin mo ipinakilala lang sa kanila two weeks before nag-decide si Daddy na pakakasalan niya na si Tita Glenda. Pero dahil syempre matanda na si Daddy naiintindihan nila kung bakit may pagmamadali. "I suggest that. I don't want any money from him. I have my own. Kung ano ang

