SINULIT namin 'yong natitirang araw namin sa Cebu. Upto the last minute ay namansyal na lang kami sa city bago bumiyahe pa airport. Masakit ang katawan naming dalawa dahil syempre sa kaka-swimming at pamamasyal. Pag-uwi ay malamang sa spa ang diretso namin. Balak na namin sunduin si Luke bukas ng umaga. Nagrereklamo kasi ako na hindi ko na kayang bumiyahe pa sa pagod ko. Kaya sabi ni Philip huwag na lang daw naming pilitin kundi bukas na lang na mabilis naman akong sumang-ayon. Gabi na ng makarating kami sa Hacienda. Dinner time na iyon at saglit lang kaming sumabay kay Daddy at nagpaalam rin agad para umakyat dahil magpapamasahe kami at matutulog na rin. "What did Mom say?" I whispered while my eyes were still closed. Nakadapa kaming dalawa at nasa spa room. Nagpapamasahe. "She said i

