PHILIP tapped my shoulder when he realized I wasn't watching anymore. "Hmn?" Nilingon ko siya at tipid na ngumiti. Nanunuod kami ng movie pero walang pumapasok sa utak ko kundi iyong tungkol sa kaso. Bigla na lang bumabalik ang isip ko sa nangyari sa akin nang hindi ko namamalayan. "You're spacing out. I guess you're tired. Matulog na tayo?" Philip said while reaching the tv remote. "Okay..." sabi ko na lang rin at hinila ang duvet. Baka nga pagod na ako. Wala rin kasi akong naiintindihan sa romcom movie na pinapanuod namin. Bumangon si Philip para yata mag banyo. Ako naman ay tumalikod at niyakap ang unan. Pinikit ko ang mga mata pero napadilat rin agad ng maalala iyong paano ako napahiya nang gabing iyon sa harap nila Philip. Narinig at nakita nila iyong ginawa namin ni Kyle. Napai

