KABANATA 47: HINDI ako mapakali. Kaya kahit hindi ko pa nakakausap si Daddy para sana alamin kung totoo 'yong sinabi ni Philip. Medyo kabado nga lang pagdating ko sa baba kasi baka makasalubong ko si Mommy o hindi kaya si Belinda. Pero nang masiguro kong wala sila. Nagpahatid agad ako sa driver sa tapat ng farm. "Iwan mo na ko," sabi ko kay Manong. "Paano ka uuwi Senorita kung maglalakad ka?" "May maghahatid naman sa akin. Alam na 'to ni Daddy." Kumunot ang noo niya at nagkamot ng ulo. Nagsinungaling pa ko para lang lumayas si Manong. Hindi naman siguro niya sasabihin kila Mommy. Bukod doon, hindi rin naman kasi ako nila hahanapin. Lalo na sa sitwasyon ngayon. Pakialam ba nila sa akin. Hindi ko na nagawang itanong sa guard kung p'wede na nga pumasok si Philip. Sa sobrang excited ko