NADALA na ko sa mainit na halik ni Philip. Hindi ko na nga alintana iyong mga tao sa labas. Humigpit ang hawak niya sa aking beywang habang patuloy akong hinahalikan. "Ito, o! Sabi sa'yo dito nalaglag." "Edi tara na! Nagugutom na ko. Dapat bigyan mo ko ng meryenda kasi sinamahan kita." "Oo na! Ang hirap magpasama sa'yo. May lagay pa." Napaurong ako habang mas lumalalim pa ang halik. Bawat segundong lumilipas ay lalong nakakapang-init sa akin. Tumama ang likod ko sa lamesa. Natigil si Philip at pareho kaming hingal na hingal. Napadilat ako. "Wala na yatang tao..." bulong ko. Marahang tumango si Philip at nanatiling nakapikit. Bumagsak ang mata ko sa labi niya. Magsasalita pa sana ako kaya lang sinakop na naman ng labi niya ang bibig ko. "Hmn..." ungol ko habang ikinawit ang dalawang