SAKAY ng limousine ay bumiyahe pa kami pa Grand Hyatt Manila. Sa The Gallery gaganapin ang auction. Pinagpapawisan ako at hindi ako kalmado sa sasakyan pa lang. Ano ba ginagawa sa auction bukod sa may bidding? Wala akong ideya kung paano ang proseso. Iniisip ko rin ang reaksyon ng mga tao roon. Kaya nga pagtapak namin sa entrance ay pinagtitinginan na kami ng mga tao. Nakahawak pa sa likod ko si Philip. Backless pa man din ang suot ko. Sobrang lamig! Hindi ko napaghandaan ito. Nagtatayuan agad ang balahibo ko sa katawan dahil sa aircon. Mahigpit ang hawak ko sa dalang silver clutch bag. May ilang reporters na agad ang lumapit sa amin nang makita kami sa entrance. "Governor Philip!" sabi ng baklang reporter at nakita kong Marky ang pangalan niya sa ID na suot nito. Galing sa kilalang net

