FIRST time ko sumubok mag-baking. Una kong sinubukan ay ang chocolate cookies. Sabi pa naman sa akin ay maghinay-hinay daw ako sa sweets pero heto um-order ako ng ingredients at ibang baking tools para lang matuto. Hindi alam ni Philip iyon dahil pagdating ng order ko ngayong umaga ay sumubok agad ako. Marahan kong nilagay sa box ang 24 pcs na cookies na nagawa ko. Proud na proud ako dahil unang beses kong sinubukan. Masarap talaga! Matamis at lasang-lasa ko 'yong dark chocolates. Chunky pa. Tamang-tama dahil malapit na magmeryenda. Balak ko na dalhan siya. Gusto ko rin pumunta sa kapitolyo para bisitahin siya. Tutal naman, alam na ng lahat na ikakasal kaming dalawa. Sabado ngayon pero nasa kapitolyo si Philip dahil may gagawin daw siya. "Maam, hindi po kasi p'wede. Kailangan malaman ni

