NAHIHIYA nga talaga siya na maging open sa nararamdaman niya. Matagal na kasi iyong huli naming ganito na naging vocal siya sa pagiging grateful rin niya. Lumipas ang linggo at nagpapakita na ang sintomas ng pagbubuntis ko. This time, ang sobrang selan ko. Buong araw yata akong nagduduwal. May mga gamot akong hindi gusto tapos naamoy ko pa lang. Nasusuka na ako. May araw tuloy na hindi ako nakapasok sa office dahil nga sa sitwasyon. Hinang-hina ako tulad na lang ngayon. "Stay here instead. Huwag ng matigas ang ulo mo," sabi ni Philip habang nakahiga ako sa kama. Sabi niya namumutla na nga raw ako at mukhang may sakit. Tapos ngayon naman kapag naglalakad ako sumasakit ang aking puson. Kaya iniiwasan niya akong tumayo at maglakad palagi. "Nababagot na kasi ako dito. Hinahanap ko na rin

