KABANATA 58: NAMUMULA ang aking balat dahil na rin sa tindi ng sikat ng araw. Tanghali na kami tumigil sa water sports. "Naku, anong itsura ko nito mamaya kapag nag-gown ako," sabi ko habang sinisipat ang sarili sa maliit na compact mirror. Bumalik kami sa room para magbihis. Basang-basa kami dahil sa activities. "You are still beautiful in my eyes. That's what is important," aniya at lumapit sa akin para yakapin ako mula sa aking likuran. Nakabihis na ako at siya naman ay naka-wardrobe. Nag-init ang pisngi ko sa ginawa niyang pagyakap sa akin. Hinalikan niya ako sa pisngi. Ang init ng hininga niya ay tumatama sa aking balat. Kung hahayaan ko si Philip. Nakukutuban na ako sa kung saan ito patungo. Isang beses pa lang may nangyari sa amin pero pakiramdam ko mahihimatay ako kung mauuli