NANAKBO ako papasok sa loob ng bahay na hiyang-hiya. Pulang-pula ang mukha ko. Nagawa ko 'yong ganoon! Ako ba talaga 'to? Napahilamos ako ng mukha pero kahit na nahihiya ay nakaramdam ako ng kakaibang saya. Hindi na namin kailangang magtago sa bahay. Dahil sa halikan namin ni Philip dapat na malinaw na sa kanila na may relasyon kaming dalawa. Malaya na siyang makakapunta sa bahay ng ako iyong sadya niya. Natigilan ako ng maalala si Belinda. Umalis siya at hindi kinaya ang ginawa ni Philip. Nabigla nga ako kanina. Hindi ko inaasahan 'yon dahil akala ko hindi niya ginawa pero mukhang nakuha niya agad ng makita si Belinda. Tahimik kami ulit noong dinner. Hindi nag-uusap usap pero ang mga mata ni Belinda ay halatang namumula at mugto. Maging ilong niya. Si Mommy naman ay parang galit ang i