KABANATA 32: PANAY ang sulyap sa akin ni Philip pero hindi na maipinta ang mukha ko dahil nakikisawsaw pa siya sa date namin ni Charles. "Ba't nakasimangot ka? Mas lalo akong hindi aalis at babantayan ko kayong dalawa sa kakasimangot mo," bulong niya. Busy si Charles kausap ang driver kaya kami ni Philip ang nag-aangilan sa likuran. "Date namin 'to ni Charles bakit ba singit ka ng singit. Ayoko din na baka iba na naman ang isipin ni... Belinda," nag-aalangan pa ko banggitin ang pangalan ni Belinda. "Nag-usap na kami. Pinapaintindi ko—" "Maraming mga oranges, Anne!" Nilingon kami ni Charles at tinuro ang mga puno na hitik na hitik ang bunga ng mga orange. May mga lemon at papaya din kaming nakita. "Let's talk about it some other time. Kapag wala ka ng bisita," bulong ni Philip. Nilap