TUMAYO na ako. Pakiramdam ko kasi hindi kami dapat nandito ni Charles. Lalo na nakita ko na bumadha ang sa mukha ni Belinda ang pagkapahiya. "Senorita..." masuyong tawag ng katulong ni Belinda. Tumayo na din si Charles at balak nang lapitan ako. Sumunod din si Philip. Nakagat ko ng mariin ang labi. Balak pa ba niyang sumama sa amin? Kita na nga niyang pinuntahan na siya dito ni Belinda. Tapos sa amin pa rin makikisiksik. "No. I'll stay here," matigas na sabi ni Belinda. Taas noo habang nakatingin kay Philip. Ngayon ko lang nakita ang ganitong katapangan sa kanya. "Let's go..." bulong ni Charles at hinawakan na ko sa siko. Napalunok ako. Hindi ko alam kung magpapaalam ba ko kay Belinda o hindi pero parang nahihiya naman ako. "Uh... maiwan na namin—" "Don't talk to me!" Namilog ang m