SOBRANG bilis ng mga pangyayari. Masaya kayo ngayon tapos biglang iiyak pala kayo mamaya. Walang nakakaalam kung anong mangyayari sa inyo sa bawat araw. Kung bukas ba buhay ka pa o hindi na. Mas higit ko ngayong na-realize na live your life to the fullest. Nakakatakot ang nangyari. Muntik ko nang maka-meet up si San Pedro. Mabuti pa rin siguro ang panginoon sa akin dahil nabuhay ako. Laking pasasalamat ko kay Philip dahil mas inuna niyang protektahan ako kaysa ang sarili. Nakahinga din ako ng maluwag na okay na si Belinda. Tulad niya naoperahan din ito sa hita. Gising na siya at nakausap ko na. Pero si Philip... "Hanggang kailan siya ganyan?" tanong ko habang nakatulala. Hindi ko pa rin matanggap na ang lalaking minahal ko ng buong buhay ko ay nakaratay sa kama. Walang sigla. Unti-unt