HINDI na malamig ang pakikitungo sa akin ni Marinel at ni Belinda. Hanggang ngayon hindi naman nila alam na first name basis ang tawag ko sa asawa ni Daddy. Nasanay na ko simula ng nangyaring hidwaan sa amin. Naiilang na kong tawagin ko siyang Mommy. Sa tuwing mag-uusap naman kami nagtatanong or sumasagot lang ako. Hindi ko siya tinatawag. "You want some?" palakaibigang tanong ni Belinda. Inaalok ako ng cookies na bagong bake niya. Bumaba ako para tumingin sana ng meryenda. Ayoko na palaging nag-uutos simula ng bumalik ako. Dumidistansya na rin ako sa mga katulong. Hanggang ngayon may trauma pa rin ako at hindi na mabilis magtiwala. Si Philip lang talaga ngayon ang nasasabihan ko sa lahat ng bagay. Nakahanap ako ng boyfriends s***h besfriend sa katauhan niya. Bakit pa ko maghahanap ng