Sa sobrang sama ng loob ko kay Alwin ay nag-aya na akong umuwi kay Almira. Hindi ko na din talaga magagawa pang mag-enjoy habang ang asawa ko ay nakikipag-flirt. So, ganiyan pala siya magmahal. He said, he's inlove with his girlfriend pero heto siya, nakikipaglandian. In a public place pa talaga. It's past midnight na at inaantok na din daw si Almira kaya namab pumayag na siyang umuwi kami. Alam kong nauunawaan din niya ako. Sinama na namin si Cecilia pauwi, dahil wala din naman siyang kasama sa tinutuluyan niya. First time niya dito sa Manila, baka mapaano pa siya. Nag-hire si Almira ng substitute driver para sa amin dahil nakakaramdam na daw siya ng pagkaantok. Tahimik ako habang nakatingin sa daan. Napapagitnaan namin ni Cecilia si Almira. Nakapikit na siya, mukhang tinablan na