"Wife!" "Pauline!" "Wake up!" "Don't you f*****g die on me!" Dinig ko ang boses ni Alwin, hindi ko alam kung hallucinations ko ba ang lahat pero nahihimigan ko ng mangiyak-ngiyak at nanginginig niyang boses. Nagmulat ako. Mabilis niya akong niyakap. "f**k! I thought I lost you," aniya. Mabilis at malakas ang pintig ng puso niya, marahil dala ng pag-aalala niya sa akin. Oh! Nawalan ako ng hangin s ilalim ng dagat. "I'm sorry," bulong niya. Naiyak ako. Hindi dahil kamuntik na akong mamatay. Kundi dahil sa itsura niya ngayon at sa mga narinig kong sinabi niya. I thought I'll lost you. Paulit-ulit itong nag-play sa utak ko. Totoo ba 'to? Paulit-ulit siyang nag-sorry habang umiiyak ako. Marahil iniisip niya na natakot ako. Well takot naman talaga akong malunod pero ang in

