"Kumusta ang honeymoon? Nakarami ba?" biro ni Almira ng makarating kami sa mansyon. "Aasahan na ba namin ang pagdating ng apo namin after nine months?" tanong ni mommy. Uminit ang pisngi ko sa mga pinagsasabi nila. Tumawa naman si Alwin at inakbayan ako. "Sana," biro din niya. Natigilan ako sa sinabi niya. Gusto ba niya akong magbuntis? Paano naman ang bata kapag naghiwalay na kami? Maiipit lang siya sa sitwasyon. "Magpahinga ka na. Aalis din ako," aniya. Kumunot ang noo ko. Magdidilim na aalis pa din ba siya? "Be home by ten pm," aniya at hinalikan ako sa pisngi. Hindi niya sinabi kung saan. Nagiging clingy na naman ako. Kailan pa ako nagkaroon ng karapatan na pakialaman siya? "Hayaan mo na siya. Magpahinga ka na muna," sabi ni Almira at hinila ako hanggang sa taas. Sa k

