Nakaramdam ako ng kaba dahil sa uri ng mga titig niya. Patuloy siyang humahakbang palapit sa akin. Ang dapat na ginagawa ko na ngayon na sinisigaw ng utak ko ay hindi ko magawa. Natuod ako sa kinatatayuan ko. Nakalapit na siya sa akin ng tuluyan. Dahil mas matangkad siya ay bahagya pa niyang niyuko ang kaniyang ulo upang pumantay sa aking mukha. Nasamyo ko ang mabango niyang hininga at ang pabango niya noon pa man ay gustong-gusto ko. What am I thinking? Seryoso ang kaniyang mukha habang pinagmamasdan ang aking mukha. Tila ba sinusuri at minememorya niya ang itsura ko. Bumuntong hininga siya at mas dinikit pa ang kaniyang mukha sa mukha ko. Sobrang lapit na niya at kaunting galaw ko lang ay magdidikit na ang mga labi namin. Hahalikan ba niya ako? Napapikit ako ng mariin. Sina

