"Wala ka pa din bang balak na bumalik ng Pilipinas?" tanong ni Ate Angel mula sa kabilang linya. 'Yan na lang ang laging tinatanong at sinasabi nila sa akin tuwing tumatawag sila. Kaya naman bumuntong hininga ako. Sa ngayon kasi ay wala pa sa plano ko ang bumalik ng Pilipinas. Madami akong naka-line up na mga malalaking project kasama ang dalawa sa top jeweller companies. "It's been three years, and- "Uuwi din ako, ate. Soon. Hindi lang muna sa ngayon." Agad kong pinutol ang sinasabi niya. "If you say so. Kailan ka ba bibili ng celphone? At least send us some pictures, we missed you." "Mag-e-email ako ng pictures namin ni Amora later." Nagkaroon ng ilang segundo ng katahimikan. Alam kong pinipili niya ang mga salitang gusto niyang sabihin sa akin. "I know, you're already okay.

