Ilang minuto akong natulala hanggang sa naisipan kong tawagan si daddy. "Dad, anong nangyari?" mahinahon kong tanong ng sagutin niya ang telepono. Hindi ako puwedeng mag-freak out dahil baka kung ano pa ang mangyari kay daddy. Maayos naman na siya mula ng maoperahan siya. Pero kailangan niyang umiwas sa stress. "Umuwi ka na, anak," sagot niya. "Akala ko ba, dad, na sa'yo na ulit ang pamamahala ng bumalik ka last year?" tanong ko habang hindi ako mapakali sa pagkakaupo dito sa aking swivel chair. "Alam mo naman na tumatanda na ang daddy. At isa pa, magaling siya sa negosyo." Really? Bumuntong hininga ako at hindi na muling nagsalita pa. Hindi na ako umangal pa dahil may kasalanan din naman ako kung bakit ganito ang sitwasyon. Dapat ako ang namamahala sa kompanya. Hinayaan lang na

