Forty Six

1175 Words

Hindi matanggal-tanggal ang ngiti niya sa mga labi habang nagmamaneho. Naiirita tuloy ako sa kaniya. Hindi maiwasan ang pagpasok sa isip ko na baka masaya siya dahil naka-score siya kay Pia. "Gosh!" Hindi ko napigilang bulalas dahil sa prustrasyon. Nilingon niya ako sabay kunot ng noo. Umiling lang ako. "What are you thinking?" tanong niya. "Nothing," sagot ko at tumingin na sa daanan hanggang sa nakaidlip na ako. Kulang sang oras ang biyahe papunta sa bahay niya. Maghating gabi na kaya naman antok na antok na talaga ako. "Sa guestroom na lang ako matutulog. Doon sa kuwarto dati ni Almira," wika ko ng makapasok kami ng bahay. "Come on. We're married," kontra niya. Nagtagisan pa kami ng titig. Pero dahil inaantok na ako ay wala na akong sapat na enerhiya para makipagtalo.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD