Isang oras lang yata ang tulog ko pero heto ako at maaga pa ding nagising. Unang araw namin ulit bilang mag-asawa. Naisip ko na hindi lang siya dapat ang maging mabuting asawa. Dapat gawin ko pa din ang part ko. Kaya heto, magluluto ako ng breakfast. Kasama ko dito sa kusina si manang. Sinabi niya sa akin na masaya daw siya at bumalik na ako. Saksi daw siya sa mga pinagdaanan ni Alwin noong umalis ako. Mangiyak-ngiyak siya habang nagkukuwento. Naluha din tuloy ako. Alas-siete na ng matapos ko ang paghahanda ng almusal. "Manang, gising na ba si Alwin?" Dinig ko ang boses ni Pia mula sa hamba. Paano nakapasok ang babae na 'to? "Naiwan ko yatang bukas ang pinto kaninang nagdilig ako ng halaman," bulong ni manang. Nilingon ko si Pia at nagulat ako ng may kasama siyang bata. May

