May appointment ba siya? Tell him to come back tommorow if he wants to discuss things," sagot ko saka ako bumalik sa trabaho. Napailing ako. Hindi naman sa sinasadya kong gawin ito para gantihan siya dahil sa mga ginawa niya sa akin noon. Ayaw ko lang na magkausap muna kami ngayon. Ayaw ko siyang makita pagkatapos ng nalaman ko kay Pia na nagkaanak pala sila. Halos mabaliw pala, huh. Napa-tiim bagang ako. Hindi naman na muling tumunog ang intercom kaya naman naisip ko na umalis na siya. Baka masapak ko lang siya kapag nangulit siya. Mainit ang ulo ko ngayon. Inuna kong basahin ang tungkol sa mga naka-line up na project for next month. Halos wala din akong naintindihan dahil pumapasok sa isip ko si Alwin. Naalala ko pa noon sa ospital habang binabasa ko ang ilang mga proposal

