Malalim na ang gabi pero hindi pa din ako dalawin ng antok. Madaming mga bagay na gumugulo sa isip ko. Hindi mawala sa isipan ko ang mga sinabi ni Alwin, gano'n din ang sinabi ni Almira. Hinanap ba niya talaga ako? Did he really love me? He did really love me. Naiiyak tuloy ako. Hindi mabura sa isip ko ang imahe ni Alwin. Iyong itsura niya kanina habang nagmamakaawa at humihingi ng chance. All these years na kinalimutan ko siya, hindi pala niya ako kinalimutan. Nangulila siya sa akin. Pero mahalaga pa ba 'yon? Tapos na kami. I can't afford for another heartbreak. I need to be whole. I need to be strong for my daughter. Akala naman niya basta-basta ko na lang siyang tatanggapin porket sinabi niyang mahal niya ako? Hindi pa din malinaw ang lahat. Paano si Pia? Hindi ba at

