Kasalanan ko ba na napagod ako? Kasalanan ko ba na sumuko ako? Kasalanan ko ba na pinili kong maging masaya siya, kahit masakit para sa akin? Sinikap kong huwag maiyak at pinatatag ang loob ko. "Don't act as if naapakan ng ego mo ang paghihiwalay natin. Alam na yata halos ng lahat na pinakasalan mo lang ako dahil sa kompanya ko." Natigilan siya. "And you believe that?" tanong niya. "Hindi ba totoo naman? Pumayag kang magpakasal sa akin dahil nagbanta si daddy na mag-pull out siya ng shares?" Umiling-iling siya. "So, iyon pala ang iniisip mo. Iyon ba ang dahilan kaya ka umalis?" Bakit ba napakamanhid ng lalakeng 'to? "Umalis ako para maging malaya ka. Umalis ako para maging malaya na din ako." "Naging masaya ka ba? Masaya ka ba all those years?" tanong niya sa malungkot na to

