Siguro nalaman na ang nangyari dahil kay manang. O, puwede ding nagpaalam si Alwin na aalis na. Maiiwan ang kompanya na bakante at walang mamamahala dahil aalis siya. Nang makarating kami sa labas ng bahay ay nagkatinginan pa kami ni Almira. May maleta na nasa labas ng maindoor. Aalis na siya? Agad agad? Mabilis ang hakbang na ginawa namin ni Almira. "Pumayag ka na magpakasal sa kaniya. Puwede ka sanang tumanggi pero hindi mo ginawa. Be a man, son." Dinig ko mula dito sa labas ang boses ng daddy nina Alwin. "Dad, masasaktan lang siya sa piling ko," tunog frustrated si Alwin. Marahil ay kanina pa sila nagtatalo. "Try to love her." Boses ng mommy niya. "Nakapangako ako kay Pia." "Hindi ko na alam kung anak pa ba kita dahil sa pinagsasabi mo ngayon." Mukhang galit na ang mommy n