Kahit lasing akong umuwi kagabi ay maaga pa din akong nagising. Sa kuwarto ako ni Almira natulog. Mukhang siya ang nag-alaga sa akin, dahil napalitan na din ang damit ko. Malabo pa sa tubig ng kanal na asikasuhin ako ni Alwin. Magpapamisa talaga ako kapag ginawa niya iyon. Nanatili akong nakatitig sa kisame ng ilang mga minuto. Naiisip ko kung ano ang maaring mangyari ngayong araw. Parang ngayon pa lang naiiyak na naman ako. Maghihiwalay kami na hindi man lang niya sinubukang ayusin ang pagsasama namin. Narinig ko ang pagbukas ng pintuan ng banyo. "Sis, tara, mag-jogging tayo." Dinig kong wika ni Almira. Tamad akong bumangon. Mukhang kailangan kong makasagap ng sariwang hangin. Ang bigat ng ulo ko, hindi dahil sa alak, kundi dahil sa bigat ng pinagdadaanan ko. Hindi na ako nag