Ang bigat ng dibdib ko maghapon. Mabuti na lang at tapos na ang exam sa mga major subjects ko. "Pauline, mag-inom kaya tayo. Alam mo na, pampa-refresh utak," aya ng mga kaklase ko. Alas-singko pa lang ng hapon. Parang ayaw ko ding umuwi muna. Parang sobra na kasi ang sakit. Tumango ako bilang pagpayag. Gusto kong mag-relax kahit kaunti. Ayaw ko munang isipin ang problema ko. Sampu kaming lahat na magkakasama. Sa isang open air bar kami nagpunta. May stage siya kung saan puwede kang kumanta. Kami pa lang ang customer kaya naman sa amin ang buong lugar, pati ang stage ay halos hindi na iniwan ng mga kaibigan ko. "Ang kantang ito ay para sa lahat ng hindi pinili." Napaangat ako ng tingin sa isang kaklase ko. Humiyaw naman ang mga kasama namin. Nagsimula siyang kumanta. ?Escap