"Salamat sa paghatid," nakuha ko parin ang magpasalamat kay Armando sa kanyang paghatid sa akin kahit na kinakabahan ako. Siguro dahil sa naisip ko na kung hindi agad kami doon umalis ay baka namatay na ako. "You are welcome." ngumisi siya sakin. Binuksan ko aming gate na yari sa kahoy at nakita agad na nagmamadali si nanay na lumabas. "Nay!" "Anak! Diyos ko!" tinitigan ako nito sa katawan. Tila naghahanap ng sugat sakin. "Nay, di'ba nga pauwi nako ng tumawag kayo kaya huwag na kayong mag alala." Pumikit si nanay. "Mabuti nalang talaga Addelyn at baka mabaliw ako kapag may nangyaring masama saiyo." Ngumiti ako kay nanay. Nang gumabi na ay nakita ko si tatay na nagparking ng nag iisa niya nalang Van sa garahe. Si nanay naman ay malamang na nasa kuwarto at masakit 'raw ang ulo niya.