Nakabayad ng kuryente at iilang utang si tatay. Hindi niya sinabi kay nanay kung saan niya kinuha. Ang sabi niya lang ay inutang niya. Alam ko na galing kay Melissa ang pera na iyon. Simula nang pinagbabaril kami ni tatay ay nagkaroon na yata ako ng trauma. Sa tuwing bumabalik kami doon sa mansyon na pinagtataguan ni Melissa ay balisa ako. Malaki ang utang na loob ni tatay kay Melissa. Alam ko rin na pinaghahanap siya at maaaring mapahamak si tatay anumang' oras. Ramdam ko rin na hindi masyadong maayos sila nanay at tatay. Huminga ako ng malalim at tinitigan ang cellphone ko. I mean, iyong cellphone na binigay ni Felix. Nagdadalawang isip na ako sa aking mga ginagawa. This is not me. Bakit ba ako nagpapagalaw? Hay! Gusto ko na lang umatras. Nilapag ko ang hose at pinatay. Nagb