"Hi! Sabi pala ni boss ay pumunta ka raw mamaya sa hide out. Hindi sa dati ha? Sa ika apat na building." Habilin ni Annika sa akin. Inayos niya ang kanyang buhok tsaka lumagpas na sa aking kinauupuan. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makaupo siya sa kanyang puwesto at nangalumbaba siya. Huminga ako ng malalim at nagkabit balikat. Hindi ko alam kung anong pakulo ito ni Felix. Hindi rin kami nagkita ng ilang araw mula noong nag usap kami. Gusto ko talaga makapagtapos ng pag aaral. Natatandaan ko pa noon na nag stop ako dahil sa naghirap sila nanay at tatay. Hindi ko alam kung naghirap sila talaga o baka gusto lang ni tatay na magtago. Nahinto ako ng isang taon sa pag aaral at ayoko na iyong maulit pa. Kung dumating ang araw na walang wala sila nanay gusto kong may ilalaan ako p