"Karen, hindi ba masyasong delikado naman 'yung ginawa niyo ng kaibigan mo?" tanong ko kay Karen. Nasa bahay ako ngayon at nagpapagaling sa aking lagnat. Absent ako ng buong linggo sa eskwelahan. Actually, magaling na ako kahapon pa na lunes pero ayaw ko lang bumalik sa pag eskwela. Tinaasan niya ako ng kilay. "Trust me Ad. Tsaka, malakas kami doon kaya hindi kami mapapahamak." Niyakap ko ang unan at umirap sa kanya. "Bakit hindi ka nalang tumigil? Masyado nang malalim ang galit mo Karen. Ang iba nga sobra pa ang naranasang sakit sa pag ibig ngunit-" "Teka nga!" tumaas ang boses niya. Tumayo siya sa harapan ko at humalukipkip. "Sobra pa doon Addelyn! Minahal ko si Felix! Alam niya iyon! Pero ano? Ikaw lang makakatulong sakin kaya ayusin mo Addelyn. Dahil kung hindi... Magkalimutan