DAHIL doon ay hindi na ako makapag focus sa aking pag aaral. Kung ano ano na ang dinidiscuss ni Teacher Salvacion sa harapan ay walang pumapasok na ediya sa aking utak.
Nararamdaman ko parin kasi ang halik at hawak niya sakin. Parang na aftershock ang katawan ko sa lahat. Napahawak ako sa aking labi at kinagat iyon.
Hindi ko kailanman naisip na mahahawakan ako ng isang lalaki ng ganon. Nakakapanibago.
"Mukhang hindi nakikinig itong si Addelyn ah?"
Napaayos ng upo ng marinig ko iyon mula kay sir Salvacion.
"N-Nakikinig ho ako sir."
"Talaga? Sige. Answer this on the blackboard!"
Fuck! Mas lalo akong nanlamig sa Statistics! Nakita ko palang iyon ay parang nahihilo na ang ulo ko.
Napahiya ako lalo na ng tumawa si Annika at umiling. Ang mga tingin ng lalaki na kaklase namin ay nang uuyam.
Hawak hawak ko na ang chalk pero wala parin akong maisagot. Nagmukha akong ka tawa tawa sa harapan!
Namayani ang tawa ng mga kaklase ko sa buong classroom!
"See? Wala kang alam pero hindi ka nakikinig! Lumabas ka sa klase ko ngayon din!"
"Po?" nasindak ako doon. Hindi ako makapaniwala!
Tumango tango si sir. "You heard me right Addelyn Roa. Get out of my class. Now!!"
Tumango ako at hindi na pinagmasdan ang mga kaklase ko na ako ay kinukutya. Walang tao sa labas ng room at hindi ko alam kung saan ako patungo. Sa tingin ko ay malapit na ang lunch break namin.
"Kabadtrip naman! Bakit kasi ano anong naiisip ko?!"
Balak kong pumunta sa canteen ng makasalubong ko ang mga ka Frat ni Annika o sugo ng nagmamanyak sa akin.
Nagsikuhan sila at kinabahan ako. Mga nasa apat sila at matitipuno ang katawan. Sa unang impresyon ko palang sa kanila ay talagang mga basagulero talaga sila.
"Ah, saan ka pupunta Miss Addelyn?" nagkamot si Borge sa kanyang ulo. Siya iyong kilala ni Karen.
Mainit ang ulo ko sa lalaking ito dahil sa ginawa nila kay Karen.
"Bakit? Ano na naman bang kailangan niyo? Sasaktan niyo rin ako?"
Napamulagat sila. Tila takot na saktan nila ako.
"Hindi! Hindi Miss Addelyn! Ano.. Ah. Ganito kasi..." tila nag isip pa ito. Mas lalo akong nagtaka sa kinikilos nila. Sa natatandaan ko ay mga kilos siga kasi sila pero iba na sila ngayon sa harapan ko.
"Ganito..kapag may gusto kang iutos sa amin utos kalang! Heheh. Andito lang kami!"
"Oo nga miss Addelyn!"
"Bibili po ba kayong pagkain? Libre na namin kayo!"
Sunod sunod na ang kanilang mga sinasabi kaya inirapan ko sila.
"Sabihin niyo sa amo niyo kung isa ito sa mga pakulo niya para makuha ako..Puwes’ hindi! Maghanap siya ng iba!"
Nagmartsa ako papuntang canteen at para makabili na ng pagkain. Mag aantay nalang ako dito ng afternoon class.
Bwesit na bwesit talaga ako. Mukhang babagsak tuluyan ang grado ko nito dahil sa lalaking iyon!
Parang maiiyak ako sa inis at tinusok ang milktea na binili ko. Milktea at sandwich lang ang inorder ko para sa lunch.
Mag isa akong kumakain ng lapitan ako ng isang lalaking may malaking salamin sa mata.
"Hello! Ako nga pala si Jerry! Kilala ko ang pinsan mo. Magkaklase kami noong high school."
Napamulagat ako. "Ah! Oo nga pala! Oo, natatandaan kita. Nasa birthday ka rin ni Karen noon di'ba?"
Sunod sunod siyang tumango. "Oo! Pinapansin na rin kita noon pero ngayon lang talaga ako nagkalakas loob. Alam mo ba na...crush kita."
Wow. Nashock ako ah.
"A-Ah." tumango tango ako. Hindi ko alam ang sasabihin. Sa dating Unibersidad na pinasukan ko ay may mga nagtatapat rin ng damdamin nila sakin ngunit parang hindi ako interesado.
"Pasensya ka na ah. Pero paghanga lang naman iyon sa kagandahan at kabaitan mo. Alam ko naman na hindi mo tipo ang tulad ko."
“Buti alam mo-Ah! Este alam na alam mo." hilaw akong ngumisi at pinagalitan ang sarili. Mabait naman itong si Jerry pero ano ba itong bibig ko!
"Puwede ba pasabay sa pagkain?"
Napalabas rin ba ito? Mukhang maaga pa kasi para sa lunch break e.
"Napalabas ka rin?"
"Ah...Oo e. Pinag iinitan ako lagi ng teacher. Ganon karin ba?"
Tumango ako. "Sige upo kana diyan."
Nilagay niya ang bag sa gilid at nilabas mula doon ang mga pagkain niya. Mukha nga talaga siyang bata. May baon pa.
Maayos kausap si Jerry at matalino rin. Nang matapos ang lunch break ay halos maantok na ako.
Pabalik na ako sa aming classroom ng makasalubong ko si Karen. Mukha siyang may hinahanap at nagtagpo ang tingin namin.
Umirap siya at bumuntong hininga.
"Napalabas ka? Bakit?"
Napakamot ako sa aking buhok. "Napag initan kasi ako ni sir Salvacion.Kainis nga!"
"Bakit? Siguro naglalandi ka?"
Napatigil ako at napatitig kay Karen na puno ng akusa ang mga tingin.
"Landi? Kanino naman ako lalandi Karen? Ang bibig mo ah. Sumbong kita kay tito Julo!"
"Sumbong mo. Sumbong rin kita kay tita na nakipag anuhan ka kay Boss!"
"H-Hoy!"
Namaywang siya at pinandilatan ako. “Akala mo hindi ko alam ang mga nangyari?" Nilapitan niya ako kaya unti unti akong napapaurong.
"Hindi mo alam ang pinasok mo Addelyn. Iiyak ka sa huli." She smirked and turn her back on me.
Medyo naapektuhan ako ng mga sinabi ni Karen. Unti unti na rin akong naninibago sa kanya.
Ang pang hapon na klase namin ay nairaos ko. Usap usapan parin ang pagpalabas sa akin kanina.
Dahil nga nadala na ako kanina ay minabuti ko nalang na makinig sa guro. I was scribbling my book ,nang dumako ang aking titig sa katapat na building nitong room namin. All the sliding window was open kaya kitang kita ko ang isang lalaking nakaitim at titig na titig sa akin.
Nanliit ang mga mata ko dahil sa kagustuhan na mamukhaan siya pero hindi talaga!
"Miss Roa! Are you listening?!"
Napapitlag na naman ako sa sigaw ng aming guro. Umiling si Annika at ngumisi.
"Buti nga sayo." she mumbled. Malapit siya sakin kaya naririnig ko lang.
"O-Opo."
Huminga ng malalim ang guro at nagpatuloy. Nang balikan ko ng tingin ang lalaki ay wala na ito doon.
"Maaga ko kayong ididismiss ngayon para may oras kayong magresearch. Makikita niyo ang mga sagot sa mga library o isearch niyo at ito ay groupings!"
Maraming nagreklamo at iba gusto rin. Ang mga nagrereklamo ay dahil alas singko na ng hapon.
"Dito sa library nalang tayo kasi puwede ang iba maghanap sa books, ang iba magresearch. Chyna, ikaw na mag take down notes." Panimula ni Richard. Nakaupo kaming pabilog sa loob ng library.
"Sa mga books na ako." suhestiyon ko. Bale anim kaming lahat. Tumango sila kaya kinuha ko iyong notes at ballpen ko.
Napatigil ako ng makitang parang masukal ang library na ito at madilim sa dulo. Nilingon ko ang mga kaklase ko at seryoso sila sa mga ginagawa.
Pinilig ko ang aking ulo at winaksi ang mga kababalaghan sa utak ko. Wala naman sigurong namatay dito o multo ano?
Yung sa dating Unibersidad kasi na pinanggalingan ko ay de aircon pa ang library namin.
Naisip ko bigla sila nanay at tatay. Kailangan ko talaga mag ayos sa pag aaral ngayon para matulungan na sila. Sa panahon ngayon hindi ka madaling makakahanap ng trabaho kung hindi ka nakapag tapos.
Nilapitan ko ang mga libro na aking kailangan. Inangat ko ang aking daliri para basahin iyon ng maigi.
"Hindi to."
Lumipat ako sa kabilang shelfs at doon naghanap.
"Hindi rin-"
"Matutulungan ba kita?"
"Ayy-" tinakpan ng lalaki ang aking bibig! Gusto kong pumiglas ngunit naamoy ko ang pamilyar na amoy niya. Pero ang kaba ng aking dibdib ay nanatili.
"Shhh." sumayad ang kanyang labi sa aking tenga.
"A-Anong kailangan mo?" mahinang singhal ko.
“You've been a bad...bad girl today." aniya na ikinakunot ng noo ko.
"H-Huh? Anong ibig mong sabihin?"
“My Addelyn...sabi kong akin ka ngayon pero may nakapag sabi sakin na may kasama kang lalaki kanina. You need to be punish."
Natuod ako ng maalala si Jerry kanina. At saka namumura na tong lalaking ito ah!
"K-Kakasuhan talaga kita sa pinanggagawa mo sakin! Sisigaw ako dito!" naiiyak kong singhal sa kanya.
Mahina siyang humalakhak habang inamoy ang aking leeg. Napapiksi ako.
"I dare you, then." sagot niya.
Nainis ako ng nagpatakpatak siya ng halik sa aking leeg at may kung ano sa akin na nagustuhan ko iyon.