“Tandaan mo ang mga binilin at sinabi ko Addelyn ha.” si Karen, na tila ba ako'y isang bubo o bingi na hindi pa nakuha ang kanyang mga sinabi.
Huminga ako ng malalim pagkatapos naming mag usap. She's cold to me at school dahil iyon ang napag usapan.
"Lyn! Halika at tulungan mo ako dito sa mga handa. Dadalhin doon sa cottage."
"Opo nay!"
Nandito kami ngayon sa resort dahil birthday ni tito Julo, ang papa ni Karen.
Nagkakasayahan na sa cottage na malaki. Konti lang ang bilang ng aming pamilya na nandito.
Si papa at tito Julo ay nasa cottage at nag iinuman. Ang ibang kasamahan na katulong nila tito Julo ay nasa labas at nag iihaw.
Nilapag namin ni nanay ang mga pagkain sa mahabang mesa. Actually, kanina pa nagsimula ang handaan pero may dinadagdag sa mesa kapag wala nang laman.
Si Karen ay nandoon sa gilid at kumakain, tinaasan niya ako ng kilay ng makita at tinawag.
"Nay, puntahan ko lang si Karen."
Bahagya akong nilamig kaya niyakap ko ang sarili.
"Oh?"
"My friends.. Casha and Dara."
Ngumiti ako sa kanila. Hindi ko sila kilala. Halos lahat kasi na nakakasalamuha ni Karen ay kilala ko pero itong dalawa hindi.
"Hi!"
"Nagdala ka ng bikini mo? Magswimming tayo mamaya ah."
Umupo ako katabi nila at kumuha ng balat ng lechon.
"Huh? E' ang lamig na Karen, atsaka gabi na."
"Hindi, may pool doon sa loob ng resort. Doon nalang tayo tsaka nagdala ako ng whiskey."
Umiling ako at nanahimik nalang. Ilang beses naman kaming naligo ng biglaan at kung minsan pag wala akong dalang bikini e' nagba-bra at panty nalang ako. Parang ganon' lang naman parin yun.
Halos ma-out of place ako sa kanilang tatlo dahil pinag uusapan nila ang mga ex nila na hindi ko naman relate kasi wala akong ex?
Hay. Kinuha ko ang coke at ininom.
" Karen, lasing na si papa mo. Magliligpit na kami para makatulog na. Kayo ni Addelyn hindi pa kayo matutulog?"
"Mamaya na ma. Kasama ko naman si Addelyn, magsswimming kami sa pool."
"Opo," segunda ko.
"Naku, kapag kayo kabagin ha!" tinuro pa ako ni mama na kakadating lang.
"Oh siya, mauna na kami at magpapahinga na."
Nakita ko si tatay na halos lasing narin katulad ni tito Julo.
"Alam niyo ba? May boyfriend ako dati pero sa chat lang iyon hanggang ngayon hindi na nagparamdam sakin."
"Ghosting?"
"Parang ganon' na nga."
"Tsaka inutangan pa ako ng pera ha!"
"Ay, user rin pala!" tumawa si Karen.
"Ako marami na akong naging ex sa school pero may isa talaga akong gusto." kwento niya.
"Oo nga! Daming gwapo sa school niyo ah! Gusto ko yung makita ang sponsor ng school niyo kaso mailap."
Tahimik lang akong sunod sunoran sa kanilang likod habang patungo kami sa Pool. Malayo palang kitang kita ko na ang pagka kulay blue nito at walang tao.
May dala naman kaming tuwalya at ako lang talaga ang walang dalang bikini. Hindi ko talaga planong maligo una palang kaya hindi ako nagdala.
Nasa alas diyes na yata ngayon at may nakita pa akong
"Addelyn! Kunin mo ang inumin sa bag ko 'tsaka yung plastic cup!" utos ni Karen.
Tumango ako kasi malapit lang sakin ang bag nila. Hinukay ko ang bag ni Karen at pagkabukas palang bumungad na sakin ang dalawang condom.
Hindi ko naman iniexpect na virgin si Karen kasi nakita ko naman noon na marami na siyang naging boyfriend. Minsan, pag wala sila tito at tita sa bahay nila..pinapapunta niya doon ang boyfriend niya at nag lalock sila sa kwarto habang ako ay nanonood nalang ng tv sa sala nila.
"Ito na. Binuksan ko na para sainyo." sabi ko at nilagay sa gilid ng pool ang inumin at basong plastic.
"Uy, uminom ka ah. Hindi puwedeng hindi ka iinom. Atsaka tulog na sila kaya ayos lang iyan."
Umirap ako kay Karen. "Alam ko ang gagawin Karen."
Umirap siya pabalik sakin at kinuha ang inabot ko na inumin. Kumuha rin ako ng para sakin at uminom.
Ayokong magpakalasing kasi ayokong sumakit ang ulo ko bukas.
Hanggang apat na baso ang nainom ko at nakita kong nagsasayahan sila Karen ng makakita ng dayuhang turista.
Nag uusapan sila doon sa kabila ng hubarin ko ang damit at diretso lubog ng sarili sa pool.
Tumindig ang balahibo ko sa ginaw ng swimming pool. Nakita kong tumingin ang tatlong lalaki sakin kaya tumalikod ako para hindi nila makita ang aking dibdib.
"Lyn! Halika ka!" biglang tawag ni Karen sabay hagikhik.
"Oh?"
"Gusto ka pala nilang makilala. He's Carl, siya si Ion at si Mark." pakilala niya sa mga kasama nilang lalaki.
"Nice meeting you. I'm Addelyn."
"Nice name huh?" sabi ng Ion.
Kinalabit agad siya ni Karen at binulungan.
Nasa pool parin ako habang sila ay nasa gilid ,umiinom.
"You want?" anyaya ni Mark ,mag inumin sa kamay.
"No ,thanks."
Tumalikod ako para makaahon na. Hindi ko na yata makakausap ng maayos si Karen dahil may mga kausap na. Useless ako dito kaya mas mabuti pang umalis at magkulong sa room na nirentahan namin dito.
Hinanap ko ang damit ko kanina at sinukbit iyon sa aking balikat. Hindi na ako nagpaalam kay Karen na mauuna na. Busy na siya sa kanyang kahalikan.
Madilim sa pasilyo ng mga kwarto ng resort. Medyo may mangilan ngilan na taong umiinom. Nahiya ako kaya sinuot ko ang aking t shirt.
"Hi miss! Wanna have fun?" may nadaanan akong nag iinuman na mga lalaki.
"No thanks." malamig na tugon ko. Mas mabuting wag' magpakita ng interes sa mga lalaki para hindi ka mapagkamalan na malandi, iyon ang opinyon ko.
"Hoy, suplada!" sabay tawanan nila. Natanto ko na marami pala sila sa bandang balkonahe ng resort kaya mas nahiya ako.
"Nice legs." aniya ng isa at sumipol.
May bagong lalaking dumating may karga kargang isang case ng mga beer at narinig ang kantiyaw sakin.
"Mga gago! Babae yan ni boss Felix!"
Huh?
"Patay.."
"Kaya pala ang ganda-" binatukan agad ng isa ang nagsalita at nanahimik na sila.
Kinabahan ako sa mga narinig. Pakiramdam ko, may koneksyon ito sa leader ng mga Phantom.
Nagmamadali akong lumiko para makaakyat ng may humila sakin. Ang aking tili ay umecho sa buong unang palapag.
Isang magaspang na kamay ang nakatakip sa aking bibig at kahit anong bigkas at piglas ko ay wala akong laban sa malaking lalaking ito.
"It's me." sensual na bulong niya sa aking tenga na nagpatigil sa akin sa pagsisisigaw.
Hingal na hingal ako ng hawakan ang kamay niya upang ibaba. Dahil siguro alam niyang hindi na ako sisigaw ay tinanggal niya iyon.
Heto na naman ang puso ko. Sobrang kaba na naman sa tuwing kulong ako sa bisig ng lalaking ito.
Hindi ko maaninag ang kanyang mukha lalo na't nakatalikod siya sa lamp post. Ako naman ay siguradong sigurado na kitang kita niya ang aking mukha.
"Bakit ka nandito?" galit ko habang sapo ang aking dibdib, taas baba pa ito dahil sa nangyari.
"Lagi ka ba talagang nanghihila huh?"
Huli ko na natanto na tahimik parin siya dahil nakatitig sa aking kamay na hawak ang kanyang kamay na nakatakip sa bibig ko kanina.
Bigla ko iyong binitawan kaya bumalik ang titig niya sakin. Umawang ang labi ko ng bahagya kong makita ang kurba ng kanyang labi.
Shit.
May mumunting balahibo sa kanyang panga. Dahil doon ay hinila niya ako sa mas madilim na parte ng pasilyo at may binuksan na pintuan doon.
"H-Hoy!"
"Shhhh.." umungol siya bigla at naghubad ng damit. Kahit madilim sa kwartong ito ay kita ko naman ang paghubad niya!
"Bakit ka naghuhubad?!" Nag amba akong bubuksan ang ilaw ngunit...
"Don't!" pigil niya sakin.
Nilingon ko siya at nakita kong tumayo siya at nilapita ako. Nanlaki ang aking mga mata ng makitang may dugo sa gilid ng kanyang labi at pasa sa pisngi. Dahil doon, bahagyang nasinagan ng buwan ang kanyang mukha ng madalian at nakita ko kung gaano siya kaguwapong nilalang.
Napalunok ako ng ikulong niya ako sa kanyang bisig.
"M-May pasa ka. B-Bakit may pasa ka?"
Hindi siya sumagot at hinila niya ang dulo ng aking damit at isang higlap ay napunit iyon. Umigting ang kanyang maskuladong braso ng ginawa niya iyon.
"A-Ano ba!"
Napatigil lang ako ng ipasuot niya sakin ang kanyang t shirt at tinitigan ako. Ako naman sa kabilang banda ay hindi maka move on sa pagkakita ko ng bahagya ng kanyang mukha.
Shet! Ang guwapo niya!
"Alam kong malulusog ang dibdib mo pero hindi mo iyan kailangang ibalandra." maanghang niyang aniya. Napalunok ako.
"U-Uh kasi-"
"You are mine for a month so be a good girl huh?"
Lahat ng naramdaman ko ay napawi ng marinig iyon. Muntikan ko ng makalimutan na iyon pala ang isa sa nga rules ng leader ng Phantom. Hindi lang ako ang babaeng dumanas sa kamay niya at nakadanas ng isang buwang maging babae niya.