Itinuro ako ng mayordoma na pumasok sa opisina ni Don Cleo. Kinakabahan ako. Isa akong katulong dito ngunit kanya akong pinatawag. Nakakaduda. Binuksan ko ang pintuan at agad kong nakita ang nag aabang na si Don Cleo. Tahimik, ngunit taas noo akong lumapit. "Magandang araw sayo Addelyn. Take a seat please." aniya at uminom sa kanyang kopita. Umupo ako doon. Pinagsiklop niya ang kanyang mga palad. Tinitigan ko siya sa kanyang mga mata. "Masyado akong naging abala sa trabaho at pera." ngumisi siya. "Hindi ko na namalayan na may bago pala saking mansyon. Ikaw nga ang sinasabi ng anak ko." "Yes Don Cleo." mataman kong sagot. Tinitigan ko ang paligid at may dalawang tauhan na nagbabantay sa magkabilang gilid. "Thank you for taking care of Melissa in Samar." Tumango lamang ako ngun