Paano ako makakaalis kung alam ko na nasa piitan nila si daddy? Tatlong araw na ako halos hindi makatulog. Ginugol ko nalang ang mga oras ko dito sa mansyon. Sabi ni kuya gumagawa siya ng paraan para makuha niya si daddy. Alam ko na nahihirapan na rin si kuya. "Addelyn... Ako na lang ang magdadala ng mga ito sa kuwarto ni Don Cleo." sabi ng mayordoma sakin. Para siyang kabado na hindi ko alam. May awa sa kanyang mga mata. "H-Ho?" tinitigan ko ang pagkain na nasa tray. Hawak niya iyon. Tumingin siya sa paligid maging ako ay ginaya siya. Napalunok ako dahil sa simple niyang galaw ay alam ko na agad. "Umalis kana dito Addelyn." bulong niya sakin. "Naaawa ako sayo. I-Iyong apo ko ay umalis dito dahil pinagsamantalahan raw ng Don." Nanlaki ang mga mata ko. Anong ibig niyang sabihin?