Walang nakakaalam ng mga nangyari sa akin noon. Kung paano ako nagkaganito kundi si kuya at si Felix lang. Hindi na ako nagtataka kung bakit minsan pinipili ko na dumistansiya sa mga ka klase ko. Mahirap. Sobrang hirap ang pinagdadaanan ko emotionally at physically sa mga nagdaang taon. Ang tanging naging aliwan ko lang ay ang pag-aaral. Tama nga ang sinabi noon ni kuya sa akin na walang boring na bagay kung minamahal mo ang bagay na iyon. Minahal ko ang pag-aaral ko kaya naging aktibo ako. Maraming nagsubok manligaw sa akin ngunit hindi ko pinaunlakan. Ngayon ay isa na patunay na kaya kong lagpasan ang lahat ang aking diploma. Kahit na mag isa ako ay tiniis ko lahat. Ang mga mapapait na nangyari ay ginawa kong inspirasyon para hindi lumugmok. Ang bahay nila Chito ay nasa isang v