Chapter 39

1260 Words

Hindi ko nabalitaan na mayroong bagyong parating pero mabuti nalang at may naimbak akong pagkain sa ref. Dahil nga umuulan ay bahagya nang malamig ang paligid. Talagang malamig dito banda sa bahay namin dahil nasa itaas pa ng burol. Hindi gaanong malakas kaya pinili kong umupo sa aming balkonahe. Ang iilang puno sa aking harapan ay nagsasayawan. Ang iilang bunga ng mangga ay nagbagsakan sa lupa. Nakasuot ako ng malaking T-shirt at cotton pants. Hindi ko maiwasan isipin ang nangyari kahapon. Gustong gusto kong kalimutan ang mga nangyari ngunit alam ko sa sarili ko na nakaukit na iyon mismo sa aking sarili at sa isipan ko. I can't undo things that already happened. Ang tanging magagawa ko lang ay ang magpatuloy sa buhay at tulungan ang sarili ko. Naninikip ang dibdib ko habang naka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD