Hinding hindi ko makakalimutan ang mga sinabi sa akin ni Felix kanina. Hindi siya nagpapigil na umalis kahit na umuulan. Parang nilulukumos ang dibdib ko habang tinititigan siyang umaalis at nawawala sa gitna ng ulan. Basa pa ang aking buhok ng maupo sa kama at tinititigan ang maliit na kahon na bigay niya. Kumakalabog ang dibdib ko habang binubuksan ang kahon at nakita doon ang pamilyar sa akin na kwintas. "Kay kuya 'to ah?" mas lalong bumilis ang t***k ng aking puso. Kwintas ito ni kuya na kung bubuksan ay may litrato naming dalawa sa loob. At hindi ko makakalimutan ang ibig sabihin nito. "Nandito na si Kuya!!!" halos mapatayo ako! Kung akala ng lahat na patay na sya pwes ako hindi ako ako naniniwala dahil malakas ang kutob ko na hinding hindi siya madaling mamamatay! Agad kon