Ang beach na ito ay private at exclusive lamang sa mga Mafias and brotherhood nila kuya. Ngayon palang ay kinakabahan na ako para mamaya. Iniwan muna ako ni kuya sa sarili kong kwarto at maya maya pa ay narinig ko ang pag buzz ng pintuan. Kung sa ibang pagkakataon ay kakabahan ako ngunit alam ko na pribado ang Beach na ito ay napanatag ang aking sistema. Nang aking buksan ang pintuan ay nakita ko si Bloom na malapad ang ngiti sa akin. Napangisi rin ako sa kanya ng makita ang hawak niyang iba't ibang kulay na two piece. "Pasok ka." pumasok kaming dalawa at nilapag niya ang mga dala. Wala parin siyang pinagbago bukod sa mas lalong gumanda ang kanyang katawan. "Dinala ko iyan from Manila. Sabi kasi ni Diego ay susunduin ka niya kaya naexcite ako!" Kinagat ko ang labi at hinawakan an