Kahit mahirap ay kinaya ko. Nahirapan akong humingi ng exam sa mga teachers para lang makahabol ako. Halos wala rin akong baon sa loob ng dalawang araw na pagbalik ko sa eskwela. Ramdam ko na ayaw sa akin ng lahat. Nakita ko rin ang maririin na titig sakin nj Borge at ibang kagrupo niya lalo na kapag kasama ko si Karen. Mabuti rin at hindi na naisali pa sa gulo nila sila Karen at ang pamilya namin. Naging tahimik kahit paano. Ang tahimik rin ng buhay ko pero alam ko sa sarili ko na ako'y malungkot. Hindi ko narin kinakausap si Karen. Minsan, pinapasabay niya ako sa kanila ako lang ang tumatanggi. Kahit si Hannika ay nanahimik na rin. "Addelyn. . . Pakilinisan ang room. Ikaw lang mag isa." nagulat ako sa sinabi ni ma'am Donna, teacher namin. "P-Po? Ako lang mag isa?" "Oo!" inirapa