Halos hindi ako makakain simula ng marinig ko iyon kay Armando. Hindi ako makapaniwala. May kokonti konting sakit ang ulo ko dahil sa mga konklusyon ko. Kung paanong ganon' ang nangyari. Si Armando ang aking fiance noon, itatakda akong ikasal sa kanya kapag nag eighteen na ako. Pero dahil sa paglipas ng panahon at sa trahedya ay nagka amnesia ako. Damn! Kaya pala parang’ may kakaiba kay Armando. “Where's Felix right now?" tanong ko kay Armando. Nakatingin siya sakin ng madiin at umiwas. Tila ba iba ang naiisip niya habang nakatingin sa akin. He sipped on his glass before looking at me. "Back in Manila. Nagta-trabaho bilang teacher." Kumirot ang puso ko. Alam ko kung bakit kinuha niyang kurso iyon noon. It's because he loves her mom so much. He loves this place so much. The school and