ONE MONTH LATER Mhina "Para sa guwapo naming kapatid pero mas guwapo pa rin ako." Nagkatawanan kaming lahat sa sinabing 'yon ni Darren sa harapan habang hawak niya ang mikropono. "Actually, ako talaga ang pinakaguwapo sa lahat kaya nga napakaraming babae ang nagkakagulo sa akin. But!" Kaagad siyang lumingon sa asawa niyang si Rain na kasama namin sa table namin ngunit ngayon ay masama na ang tingin kay Darren. Kasalukuyan niyang karga ang one year old na rin nilang baby boy at dumidede sa dibdib niya. Nilagyan niya lang ito ng cover upang hindi maladlad sa madla. "Of course, only one Goddess captured my heart. None other than my very loving spouse, who is the most beautiful woman on this earth," dagdag pa ni Darren habang maalab na nakatitig sa mahal niyang si Rain. Pumalakpak pa