Mhina Napatitig ako sa malaking portrait ni lolo Benjamin na nakadikit sa wall sa napakalaking sala ng mansion na ito ng mga Johnson. Maliwanag at parang buhay na buhay pa rin siya sa imahe niyang 'yon. May pagkamasungit siyang tingnan dahil sa matatalim niyang mga mata at makakapal niyang mga kilay. Ngayon ko lang na-realize na mas malaki pala ang pagkakahawig ni Daemon sa kanya kaysa sa sarili niyang ama. "Hey. You've been staring at him for a while. Mamaya, sasagot na 'yan sa iyo." Bigla akong napalingon kay Daemon sa sinabi niyang 'yon. Hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya sa akin. "Sira-ulo ka ba?" Bigla akong kinilabutan at bahagyang lumayo sa larawan ni lolo Benjamin. Ngingisi-ngisi naman ang magaling kong asawa bago siya yumakap sa akin ng mahigpit mula sa likuran k