Mhina "Ginawa ni ate Maurice ang lahat nang makakaya niya noon para mabuhay ang kambal. Pero si Dandan lang ang lumaban... ang kambal niya ay hindi na." Muling umagos ang mga luha ko sa pisngi nang maalala ko ang mga pangyayari noon sa hospital kung saan nag-aagaw-buhay ang mga anak ko. "Pakiramdam ko noon ay katapusan ko na. Para akong malalagutan ng hininga habang nakikita silang nahihirapan sa paghinga. Nabuhayan lang ako nang sabihin ni ate na nagbalik ang t***k ng puso ni Dandan. Kaagad nila itong inilipat sa ibang silid. Samantalang ang kambal niya ay tuluyan nang nagpaalam." Muling nanikip ang dibdib ko. Hinagod naman niya kaagad ang likod ko habang yakap pa rin niya ako. Kasalukuyan na kaming nakahiga sa kama. "Pakiramdam ko noon ay namatay ang kalahati ng katawan ko, ang pus