Mhina Sumapit ang mismong araw ng birthday ni Dandan. Nagising akong wala na si Daemon sa tabi namin. Gising na rin si Dandan at naglalaro na ng mag-isa sa tabi ko. Mabuti na lang at hindi siya gumapang at nahulog sa kama. "Good morning, mahal ko!" Kaagad ko siyang binuhat at dinala sa ibabaw ko. "Mama, mamamah." "Happy happy birthday, sa baby ko! Hmmm!" Pinaghahalikan ko siya sa leeg at pinanggigilan. Umirit naman siyang bigla ng malakas at tumawa. "Birthday mo na, anak. One year old ka na. Happy birthday din sa angel nating nasa langit na at kasama ni Papa God. Dadalawin natin mamaya ang kambal mo, 'nak. Nasaan na kaya ang daddy mo? Ang aga niya yatang nagising." Kaagad akong lumingon sa wall clock na nasa bahagi ng ulunan namin at 5:45 pa lang ng umaga. Madilim-dilim pa sa lab