Mhina Tahimik kaming nagsi-sakay sa loob ng kotse ni Daemon. Siya ang driver at ako naman ang nasa tabi niya. Sa back seat umupo si Ana habang buhat niyang muli si Dandan. Hindi na niya ako sinagot pa at hindi ko rin maintindihan kung ano ba itong nangyayari talaga sa kanya. Noong nakaraan ba siya ganito. "May problema ba, Daemon? Bakit kasi ayaw mong sabihin sa akin. Alam kong meron." Hindi ko na napigilan pang ilabas ang tampo at hinanakit ko sa kanya. Hindi pa rin siya sumagot ngunit kinuha niya ang kamay ko at dinala sa mga labi niya. Marahan niya itong hinalik-halikan. Gumapang naman ang kakaibang init sa puso ko sa ginawa niya. Nilingon ko si Ana na ngayo'y palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa at alam kong nakikiramdam lang din. Pinagsalikop ni Daemon ang mga daliri namin