Mhina Napatulala ako habang nakatitig sa mga letrang iyon. Twin? Anong ibig sabihin ng twin na iyon? Lumingon ako at tumingala kay Daemon na nasa aking tabi at ngayo'y nakatutok naman ang paningin sa unahan habang patuloy kami sa paglalakad. Blangko ang kanyang mukha, gano'n din ang kanyang mga mata. Naguguluhan ako. Wala akong maintindihan. Bakit twin ang nakasulat sa balloon na iyon? Blue and pink. Dandan and Micah. Twin? Bakit? Paano? Sino ba talaga si Micah? Biglang sumagi sa isip ko ang Angel namin na ngayon ay nakahimlay sa Eternal Promise Cemetery na malapit lang naman sa lugar na ito. Isang taon na rin siyang naroroon ngayon at palagi kong dinadalaw. Palagi kong kinakausap at pinagdarasal. Hindi ko nga alam kung dinadalaw ba siya doon ng ama niya? Ni hindi ko rin n